Wednesday, March 26, 2014

Ang Alamat ng Langgam

Ang Alamat ng Langgam
Jose Garcia Gonzalez

   Noong unang panahon sa kaharian ng Bu-Na-Wan, ay may isang matandang bruha sa ngalan na Modesta.

   Si Modesta ay puno ng kasakiman, at iyon ang dahilan ng kanyang kasipagan.  Lahat ay ginagawa upang maangkin ang kanyang ninanais.  Simula sa pagkadalaga, wala na siyang ini-isip kungdi mga makamundong bagay.

   Sa isang sakitin at mayamang mangangalakal si Modesta ay nagpakasal.  Di nagtagal namatay ang kanyang mga biyenan.  Mga ari-arian ay kangyang inangkin, at iyan ay pinuhunan sa masamang uri ng pangangalakal.

   Habang tumatanda, ay lalong naging masama.  Dahil sa kasakiman, ay natutong magkulam.  Siya ay matiyaga at masipag, dahil gusto niyang umangkin ng lahat na kayamanan.

   Nung lumaki ang kanyang mga anak at nakapag-asawa.  Mga balae niya ay kanyang kinulam upang mapasakanya mga kayamanan at ari-arian.  Siya ay yumaman ng husto sa kanilang kaharian, ngunit ang kanyang kasamaan at pagkukulam ay di lumagpas sa pansin ng mga Babaylan.

   Inisip ng mga Babaylan na panahon na upang ang kasamaan ni Modesta ay wakasan.  Sila ay nagdasal sa Bathala upang ang kanilang kaharian ay tulungan.

   Nang si Bathala ay bumaba at si Modesta ay nakita.  Ang matandang bruha na si Modesta at ang mga anak nito ay ginawang mga langgam.  Kaya ang langgam ay matiyaga at masipag, ngunit sakim sa mga makamundong bagay.

   Ayon sa Babaylan, ano mang kaugaliang kanais-nais gaya ng tiyaga at sipag ay walang kahalagahan kung ang dulot ay hindi kabutihan.  Ang mahalaga sa buhay ay ang mga kaugaliang kanais-nais na nagdudulot rin ng mga pangyayaring kanais-nais at kabutihan para sa lahat.

Wakas

Monday, November 15, 2010

Nueva Guipuzcoa

This blog will be all about what I am pissed off with about Nueva Guipuzcoa.  Anyone who don't agree with me do not need to read this blog.  You are free to make your own blog.